HELPER KUMORNER SA KILLER NG AMO PINARANGALAN

killer

BULACAN – BIBIGYANG pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray ang helper na nakakorner sa suspek na pumatay sa kaniyang amo.

Ayon kay Mayor Alfredo Germar, bibigyan si Teodoro Flores ng special citation at trabaho matapos habulin ang gunman na umatake kay Melanie Palad noong Agosto 29 sa Rico Lanie Store sa Poblacion village.

Ayon kay Norzagaray police chief Major Avelino Protacio, nag-aasikaso ng kliyente si Flores nang biglang ataki­hin ng suspek si Palad.

Sumigaw ang biktima nang mabaril ito na nagtulak naman kay Flores na batuhin ang gunman ng Liquefied Petroleum Gas (LPG)  tank.

Kinuha naman ng kasabwat ng suspek na si Angelito Valida ang baril saka pinaputukan si Flores bago tumakas.

Isinugod naman sa ospital ang suspek at si Palad ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.