HEROES’ WELCOME KAY DIAZ, MARCIAL

GINAWARAN sina Olympic medalists Hidilyn Diaz at  Eumir Marcial ng heroes’ welcome sa kanilang pag-uwi sa kanilang hometown sa Zamboanga City.

Sa isang programa ay binigyan sina Diaz at Marcial ng puwesto sa Walk of Fame ng lungsod sa R.T. Lim Boulevard.

Ang dalawa ay tumanggap din ng cash rewards mula sa lokal na pamahalaan —P2.5 million kay Diaz at P1 million kay Marcial.

Si Diaz ay naging unang Olympic gold medalist ng bansa makaraang magwagi sa women’s weightlifting 55-kg category, habang nasungkit ni Marcial ang bronze medal sa men’s middleweight event sa katatapos na 2020 Tokyo Olympics.

222 thoughts on “HEROES’ WELCOME KAY DIAZ, MARCIAL”

Comments are closed.