UMABOT sa mahigit 100 cruise ships ang bumisita sa bansa na nagtungo sa mga isla noong 2023, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang naturang mga cruise ship ay dumaong sa mga cruise stop sa mga isla ng Buhawan, Cebu, Boracay at 30 discovered island destination sa bansa.
Ayon kay Frasco, layon ng DOT na magkaroon ng expansion cruise ship portfolio ang Pilipinas dahil sa higit 7,641 na mga isla sa bansa at marami pang isla ang maaaring madiskubre ng mga turista.
Ikinatuwa naman ni Frasco na naging convergence ang pagsisikap ng DOT kasama ang local government units at pakikipagpartner sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa tourism road infrastructure project.
Dagdag pa ng kalihim na may nakalaang higit P15 billion budget para maipagpapatuloy ang mga tourism road project ngayong 2024.
PAULA ANTOLIN