Sa isang statement, sinabi ng DMW na nasa 289 Pinoy ang darating sa bansa Martes ng gabi sakay ng isang chartered flight.
Sa naturang bilang, 245 ang deportees mula sa Kuwaiti Deportation Center. Kabilang din ang tatlong buntis, tatlong may medical cases, limang nanay at kanilang mga anak, at 33 iba pa.
Inaresto sila noong nakaraang buwan bilang bahagi ng nagpapatuloy na crackdown sa Kuwait. Karamihan sa mga hinuling Pinoy ay matagal nang runaway workers.
Sa pagdating nila sa Pilipinas, ang mga repatriate ay sasailalim sa post-repatriation process, na kinabibilangan ng airport assistance, psycho-social counselling, stress debriefing, at medical referrals.
Bibigyan din sila ng temporary shelter at accommodation habang naghihintay sa kanilang biyahe pabalik sa kani-kanilang lalawigan.