HIGIT 4K DAGDAG NA PULIS NANUMPA NA

pulis

PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang aabot sa 24 na bagong Police Commissioned Officers at  4,194 na Police Non-Commissioned Officers.

Magsisilbi silang karagdagang puwersa sa 218,000-strong forces ng Philippine National Police (PNP).

Sa seremonya na idinaos sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, pinangunahan ni PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan ang panunumpa sa tungkulin ng 12 Police Captains at 8 Police Lieutenants na kinomisyon bilang Technical Officers sa ilalim ng 2017 Unfilled Quota Lateral Entry Program.

Ang mga Police Captain ay tatanggap ng basic monthly salary na P56,582 habang ang mga Police Lieutenant ay tatanggap ng basic salary na P49,528.

Mayroon din silang subsistence allowance, clothing allowance, quarters allowance, hazard pay, cost of living allowance, at dagdag pang kompensasyon.

Napag-alamang nakatakda italaga ang mga ito  bilang technical officers sa Police Regional Offices at National Operational Support Units.

Dagdag naman sa PNP rank and file ang 4,195 na Patrolmen at Patrolwomen  na nanumpa din sa tungkulin at nakatakdang tumanggap ng P29,668.00 basic salary. VERLIN RUIZ

Comments are closed.