(Hihilingin ng Kamara kay Duterte) 2022 BUDGET SERTIPIKAHANG URGENT

Rep Eric Go Yap

HIHILINGIN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang 2022 national budget.

Kinumpirma ito ni House Appropriations Committee Chairman Eric Go Yap sa gitna na rin ng nakatakdang pagsusumite ng Budget Department sa Kamara ng 2022 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay Yap, magiging malaking hamon sa kanila sa Kongreso ang maagang session break sa October 1.

Bukod dito, inaasahang sa August 20 o 23 pa maisusumite ng DBM sa Kamara ang kopya ng panukalang pambansang budget sa 2022.

Sinabi ni Yap na kailangang sa September 29 o 30 ay napagtibay na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang national budget.

Dagdag ni Yap, kailangang matulungan sila ng Ehekutibo upang maaprubahan sa itinakdang petsa ang pambansang pondo kaya hihilingin nila ang sertipikasyon dito ng Pangulo.

Tiniyak naman ni Yap na hindi nila palalagpasin ang paghimay nang husto sa mga budget ng mga kontrobersiyal na ahensiya tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at Department of Public Works and Highways.

Samantala, tiwala naman si Yap sa kakayahan ng ibang mga opisyal ng DBM at kumpiyansang hindi maaantala ang pagtalakay ng Kamara sa national budget sa kabila ng pagbibitiw ni Budget Sec. Wendel Avisado. CONDE BATAC

5 thoughts on “(Hihilingin ng Kamara kay Duterte) 2022 BUDGET SERTIPIKAHANG URGENT”

  1. 955743 702715Ive applied the valuable points from this page and I can certainly tell that it gives a great deal of assistance with my present jobs. I would be very pleased to keep finding back in this internet page. Thank you. 930505

Comments are closed.