(Hiling kay PBBM) PAGBABA NG PRESYO NG PAGKAIN TUTUKAN

HINILING  ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tutukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbaba ng presyo ng pagkain bilang hepe ng Department of Agriculture.

Aniya, kailangan din palakasin ang sektor ng agrikultura.

“Well sa prices, pagkain ang number 1. Siya ang concurrent Secretary of Agriculture. So kailangan tutukan niya ang availability at lowering of food prices. Kelangan palakasin niya ang sektor ng agrikultura, tulungan ang ating mga magsasaka,” ayon kay Zubiri.

Iginiit naman ni Zubiri na kailangan ng sapat na oras para maipatupad ito ng Pangulo.

“It takes time. It’s not a magic wand, isang kumpas lang ay ayos na. Kailangan pangmatagalan itong mga sistema na ilalagay para lalong gumanda ang ating agriculture sector,” aniya.

Dagdag niya, tinutukan ng administrasyon ang pag-kontrol sa presyo ng bilihin upang makatulong sa mga Pilipino.

“I think if we control the prices of goods, mas nararamdaman ng masang Pilipino yan. Yung presyo ng bigas, na dati ay P32, binaba ng P25, tapos bumalik ng P40. So tinututukan ‘yan ng administrasyon ngayon kung paano mababalik ulit sa P36 per kilo para makaginhawa na ang ating mga kababayan.” LIZA SORIANO