HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin ang deadline sa paghahain ng income tax return (ITR) na nakatakda sa Abril 15.
Ito ay makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang community quarantine sa Metro Manila mula Marso 15 hanggang Abril 14.
Ayon kay Tolentino, maraming Filipino ang apektado, partikular ang mga nasa karatig-bayan gaya ng Rizal, Laguna at Cavite kung saan maraming manggagawa ang naninirahan at nagtatrabaho sa Metro Manila.
“Kawawa naman ang ating mga kababayan na marahil ay mahina o wala nang kita dahil sa outbreak ng virus, lalo na kung nasa Metro Manila sila sa panahong ito. Kaya kailangang i-extend ang deadline ng filing ng income tax returns. This is to offer them relief as they will be reeling from the health, mobility and economic challenges during these times which will affect their ability to file their returns and pay their taxes,” ani Tolentino na pormal na nagpadala ng sulat kay BIR Commissioner Caesar R. Dulay kaugnay sa nasabing kahilingan.
Aniya, alinsunod sa National Internal Revenue Code, hanggang Abril 15 ang deadline ng paghahain ng ITR subalit maaari itong palawigin ng BIR Commissioner kung kinakailangan.
“With the current situation, there is also a possibility of gathering a large number of people on the day of the deadline of filing tax returns, which poses a health risk. As such, this is a meritorious case that calls for an extension,” paliwanag ni Tolentino kaugnay na rin sa 12 milyong Filipino na naninirahan sa Metro Manila.
Tinukoy rin ng senador ang ulat ng Asian Development Bank (ADB) na dahil sa COVID-19 outbreak ay nawalan ang bansa ng $1.939 billion sa gross domestic product (GDP) nito at posibleng magresulta ng pagkasibak sa may 252,000 manggagawa.
Gayundin, umaabot sa P42.9 bilyon ang nawalang kita mula sa industriya ng turismo.
“It is my firm belief that the government has the responsibility to aid our overburdened taxpayers who continue to shoulder the brunt of the outbreak’s impact on the market. An extension would be a sigh of relief that could spell a huge difference to struggling individuals and businesses,” giit ni Tolentino.
Sa Kamara ay hinimok ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang BIR na ikonsidera ang naunang matigas na inanunsiyo ng ahensiya na walang magiging extension at hanggang sa darating na Abril 15 lang talaga ang filing ng ITR.
Ayon kay Hataman, apektado ang pang-araw- araw na pamumuhay ng lahat, lalo na ang pagtatrabaho at operasyon ng negosyo dala ng COVID-19 pandemic, kung saan ang mas iniintindi umano ngayon ng mga tao ay kung papaano maiiwas ang kani-kanilang pamilya mula sa nasabing sakit.
“This pandemic is affecting our way of life and the attitude should not be ‘business as usual’ for the BIR. Habang ang mga tao ay nag-iisip kung paano pananatilihing ligtas ang kanilang mga pamilya, dadagdagan pa ba natin ang iniisip nila sa panahong ito? Let us be compassionate toward the circumstanc-es of the people,” giit ng Basilan province solon.
“We should find ways of easing the daily burdens of our citizens. May community quarantine nga tayo sa Metro Manila hanggang April 14 eh, so dapat doon ang focus ng mga tao, kung papaanong mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad nila, hindi ang problema sa pagbabayad ng taxes,” mariing sabi pa ni Hataman. VICKY CERVALES, ROMER BUTUYAN
Comments are closed.