ISABELA – DAHIL sa tangkang pagsagip sa tsinelas, isang grade 8 na mag-aaral ang nalunod sa Magoli River sa Barangay Antagan 1, Tumauini.
Kinilala ng PNP Tumauini ang biktima na si Christian Lanuza, 13, residente ng Barangay Malamag West.
Sa ulat ng PILIPINO Mirror sa Isabela Police Provincial Office, naglalakad ang biktima sa gilid ng Magoli River kasama ang ilang kaibigan nang mahulog ang kanyang bagong biling tsinelas.
Tinangka nitong sagipin ang tsinelas kaya tumalon subalit hindi na lumutang.
Humingi ng tulong ang kayang mga kaibigan sa mga barangay official subalit nang matagpuan na ito ay wala nang buhay. IRENE GONZALES