Sinabi ni Angeles na ito ang iniulat ni DSWD Secretary Erwin Tulfo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikatlong Cabinet meeting na idinaos sa Aguinaldo Hall sa Malacañang Palace.
“Of note is Sec. Erwin Tulfo’s declaration that in the Pantawid Pamilyang Pilipino program, at least 1.3 million beneficiaries out of 4.4 million are no longer considered ‘poor’ as a qualification for the 4Ps benefits,” ani Angeles.
“This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the 4Ps program,” dagdag ng Press Secretary.
Ang 4Ps ay isang human development measure ng pamahalaan na nagkakaloob ng conditional cash grants sa ‘poorest of the poor’ upang mapagbuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0-18.
Halaw ito sa conditional cash transfer (CCT) schemes sa Latin American at African countries, na nahango ang milyon-milyong katao sa buong mundo mula sa kahirapan.
Ang DSWD ang lead government agency ng 4Ps.
Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan na tupdin ang commitment nito sa Millennium Development Goals (MDGs) — lalo na sa pagsugpo sa labis na kahirapan at pagkagutom, sa pagtamo ng universal primary education, sa pagsusulong ng gender equality, sa pagbabawas ng child mortality, at sa pagpapabuti ng maternal health care.
Ang 4Ps ay ipinatutupad sa lahat ng 17 rehiyon sa bansa na sumasakop sa 79 lalawigan, 143 lungsod, at 1,484 munisipalidad. Ang mga benepisyaryo ay pinipili sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), na siyang tumutukoy kung sino at saan ang mahihirap sa bansa.
PNA