HINDI maituturing na paglabag sa right to privacy ang paggamit ng online videos at chat logs sa mga kasong kriminal, ayon sa Korte Suprema.
Alinsunod sa naging desisyon ng Korte sa isang kaso hinggil sa qualified trafficking in persons, nahatulang ‘guilty’ ang isang akusado matapos mapatunayang nag-aalok ito ng mga menor de edad sa mga dayuhan para sa pananamantala gamit ang Facebook at ibang online platform.
Ayon sa desisyon, hindi paglabag sa privacy rights ng akusado ang paggamit ng sensitibong personal na impormasyon dahil isinumite ito bilang ebidensiya para tukuyin ang kanyang kriminal na pananagutan gayundin upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga tao sa paglilitis.
RUBEN FUENTES