HINDI SAGOT ANG GOLDEN RICE SA KAGUTUMAN

IGINIIT ng Greenpeace Philippines na hindi sagot ang commercial propagation ng genetically modified “Golden Rice” (GR) sa kakapusan ng bigas sa bbansa.

Dapat umanong unahin ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang desisyon mga estratehiya upang mapabilis ang food production, upang magkaroon ng access ang mga Filipino sa masustansya at balanse sa bitaminang pagkain, upang masolusyunan ang problema sa malnutrisyon at Vitamin A deficiency.

Ayon kay Senior Campaigner for Greenpeace Southeast Asia  Wilhelmina Pelegrina, palulubugin kalo ng golden rice ang mga magsasaka, lalo pa sa mga panahong itong bugbog na bugbog ang ekonomiya dahil sa pandemya at sunud-sunod na paghagupit ng bagyo.

Ibaprobahan ang GM rice kahit matagal na itong tinututulan ng mga magsasaka, mga siyentipiko, mamimili, health advocates, at mga environmental groups na humi­hingi ng mas mahigpit na regulatory systems sa mga GM crops. Ang Pilipinas, sa amamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng DA, ang kauna-unahang bansang nag-isyu ng commercial approval sa mga GM crop. –– NV

3 thoughts on “HINDI SAGOT ANG GOLDEN RICE SA KAGUTUMAN”

Comments are closed.