SA KABILA ng local declarations ng state of calamity, iginiit ni Senador Francis Tolentino ang pangangailangan para sa national declaration upang magamit ang mga probisyon ng Price Act at masiguro ang malawakang kaginhawaan.
Tinukoy ang Section 6 ng R.A. 7581, binigyang-diin ni Tolentino na ang national declaration ng state of calamity ay isang prerequisite para sa pagpapatupad ng price freeze, hindi lamang localized declaration.
Bagama’t ang ilang local government units, tulad ng Iloilo City, ay nagdeklara na ng state of calamity, ang iba ay nag-aalangan dahil sa budget constraints, kung saan nirereserba nila ang pondo pangunahin para sa typhoon-related emergencies.
“It is within the jurisdiction of the DTI to implement a price freeze, especially during times of crisis like the current El Nino situation,” wika ni Tolentino. “Immediate action is necessary to mitigate the effects of rising prices on the Filipino people.”
Sa mga pagtaya na magpapatuloy ang El Niño hanggang sa katapusan ng Mayo, hiniling ni Tolentino sa DTI na agad magpatupad ng price freeze upang maprotektahan ang mga consumer mula sa tumataas na presyo.
Samantala, kinumpirma ni Tolentino na tatlong empleyado ng municipal goverment ng Pili, Camarines Sur ang namatay dahil sa heatstroke, tulad ng pagberipika ng municipal health officer.
Ang hindi magandang pangyagaring ito ay pagpapatunay lamang sa malawakang epekto ng El Nino phenomenon.
LIZA SORIANO