UPANG mapabilis ang digitization ng financial services sa bansa, hiniling ni Senador Win Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na himukin ang iba pang mga bangko at mga electronic-money issuers (EMIs) na huwag munang maningil ng transaction fee sa mga bayaring ginagawa sa online at bank transfers.
Layon ni Gatchalian, vice chairperson ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, na mapasigla at mapadali ang paglilipat sa digital transaction ng mga serbisyong may kinalaman sa pananalapi sa bansa at makamit ito sa taong 2023 batay sa programa ng BSP na digital payments transformation roadmap (DPTR).
Inanunsiyo kamakailan ng BSP na may 17 bangko ang patuloy na hindi naniningil ng online fee gamit ang PESONet at walo naman ang hindi kukubra ng transaction fee ng InstaPay hanggang Disyembre 31, 2021. Ang nasabing mga bangko ay nagsuspinde ng pagkolekta ng fee sa PESONet at InstaPay mula pa noong isang taon bilang kanilang kontribusyon sa mga hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.
“Cashless transaction na ang new normal. Mas tatangkilikin ito ng publiko kung wala na silang babayarang transaction fees. Kung may mga bangko na nagawang suspendihin ang pagkolekta ng transaction fees magmula nang magka-pandemya noong isang taon hanggang sa ngayon, maaari rin itong ipatupad ng iba pa,” paliwanag ni Gatchalian.
“Habang tuloy-tuloy ang pandemya, sana tuloy-tuloy rin ang libreng transaction fees lalo na’t marami pa rin ang hindi nakakabalik sa kanilang trabaho at malaking tulong sa kanila kung hindi na sila magbabayad ng bank transaction fees,” dagdag ng senador.
Sa datos ng BSP, nakapagtala ng malaking pagtaas sa bilang ng digital transactions sa bansa sa kasagsagan ng pandemya at nitong katapusan ng Hulyo, nasa 64% ang paglago sa transaction ng InstaPay at nasa 103% naman ang paglobo ng mga halaga ng mga ginawang transaction gamit ang serbisyo nito kumpara sa parehong panahon noong 2020.
Samantala, pumalo naman sa 190% ang pagdami ng mga gumamit ng serbisyo ng PESONet at nasa 50% naman ang inilago ng halaga ng mga transaksiyong dumaan sa kanila.
Sa isang Senate briefing kamakailan, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno kay Gatchalian na hangad nilang maisakatuparan ang pagiging digital ng kalahati ng mga transaksiyon sa bansa sa loob ng susunod na dalawang taon o maengganyo ang publiko na maging cash-lite mula sa pagiging cash-heavy.
Dahil hindi maaaring ipag-utos ng BSP ang pagsususpinde ng pangongolekta ng bayad sa mga online money transfer at iba pang transaksiyon, sinabi ni Gatchalian na dapat ay himukin nito ang iba pang mga bangko at mga nasa sektor ng electronic fund transfer service na huwag munang maningil upang mas dumami pa ang tumangkilik sa digital transactions. VICKY CERVALES
317534 566565We offer the best practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to speedily assess your issue and find the very best answer. 903686
433911 583834Your blog is showing more interest and enthusiasm. Thank you so significantly. 229443
952055 851265Hey there! Nice stuff, please maintain us posted when you post once more something like that! 247347