PINASUSUSPINDE ng grupo ng mga mangingisda ang excise tax sa produktong petrolyo sa gitna ng tumataas na presyo nito.
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), kailangan ng mga mangingisda ang big-time rollback sa presyo ng langis dahil nababaon sila sa utang at mataas na gastos sa produksiyon.
Dagdag pa ng grupo, sakaling suspendihin ang excise tax sa gasolina ay posibleng lumiit ang production cost ng mga mangingisda na hindi bababa sa P160 kada biyahe na may kabuuang P2,560 kada buwan.
Gayunpaman, nanawagan ang grupo ng mga mangingisda para sa ikauunlad ng produktong agrikultura at pangisdaan.
DWIZ 882