SISIMULAN ng HOKA Trilogy Run Asia ang malawakang 2024 series nito ngayong Abril 7 sa SM Mall of Asia Complex.
May kabuuang 19 races, kabilang ang National Finals sa Disyembre, ang tampok ngayong taon. Bukas ito sa lahat ng runners, mula beginners hanggang elite level, at yaong mga nasa iba’t ibang age groups.
Inanunsiyo ni Runrio event manager Kamille Atienza ang mga detalye ng event sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex.
Binanggit niya ang mga paparating na legs sa Cebu, Baguio, Iloilo, Bacolod, Davao at Cagayan de Oro patungo sa National Finals sa Pasay City. Para sa initial leg, inaasahan nila ang 8,000 runners na lalahok.
“Before, we only held races in Manila but we are now planning to expand with runs in Clark, Bicol and Palawan, and for 2025 we also plan to expand as far as Thailand, Singapore and Malaysia,” ani Atienza.
Dumalo rin sa forum sina triathlon coach Ronald Molit at HOKA marketing manager Sharon Salvacion.
Inilarawan ni Atienza ang event bilang “progressive race.” Sa first leg, magkakaroon ng mga karera sa 5K, 10K at 16K bago ito umakyat sa 5K, 10K at 21K at pagkatapos ay sa 5K, 10K at 32K patungo sa National Finals na may 5K, 10K at 42K.
“Every succeeding leg pataas ng pataas ang distance. We want the runners to go farther and HOKA wants to be part of that journey,” sabi ni Salvacion.
CLYDE MARIANO