BULACAN – DALAWANG motorcycle riding robbers na armado ng baril at granada ang nadakip ng Marilao police sa Oplan Sita matapos nilang holdapin ang isang Indian sa Meycauayan City at makorner sa checkpoint sa Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, ang dalawang suspek na sina Rogel Rivera, 33, at Ricardo Sebastian, 40, ng Caloocan City.
Alas-10:30 ng umaga kamakalawa nang mag-report sa tanggapan ni P/Lt.Col. Amado Mendoza Jr, Marilao police chief, ang biktimang si Gurdev Singh matapos siyang holdapin ng riding in tandem suspects na nakasakay sa kulay abuhing motorsiklo sa Brgy. Tugatod, Meycauayan City saka tunakas papuntang Marilao.
Kaagad naglatag ng Oplan Sita ang Marilao PNP sa kahabaan ng Cordero St., Barangay Lambakin, Marilao na nagresulta sa pagkakaaresto sa riding in tandem at hindi na nakapalag ang dalawang holdaper na nahaharap ngayon sa kaso, MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.