MALABON CITY – ARESTADO ang isang cook sa isang hotel matapos makuhanan ng mga baril sa pamamagitan ng isang search warrant na ipinatupad ng pulisya kontra sa suspek kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Mardi Padua, 48, cook sa Peninsula Hotel at residente ng No. 63 M. Santos St. Brgy. Santulan.
Sa imbestigasyon nina PSSgt. Richard Andrew Calaycay at PSSgt. Philip Cesar Apostol, alas-6:50 ng gabi nang ipatupad ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1 at Station Intelligence Branch (SIB) sa pangunguna ni PLT Zoilo Arquillo ang search warrant na inisyu ni Ma. Antonia Largoza-Cantero Executive Judge Regional Trial Court ng Malabon City kontra sa suspek sa presensya ni Brgy. Kagawad Frank Pastrana at Brgy. EX-O Enrique Malanpaz ng Brgy. Santulan.
Narekober sa suspek ang tatlong kalibre 9mm pistola, anim na magazine at 75 piraso ng bala ng mga ito.
Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunation in relation to Omnibus Election Code sa Malabon City Prosecutor’s Office. VICK TANES
Comments are closed.