PAPAYAGAN na ang mga restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine na mag-operate sa 30 percent ng kanilang dine-in capacity simula ngayong araw, Hunyo 15, ayon sa Department of Tourism (DOT).
“Partial dine-in operations are permitted in hotels and other accommodation businesses provided they strictly observe safety protocols,” sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Ani Romulo-Puyat, isang composite team mula sa mga miyembro ng DOT, ng Department of Trade and Industry (DTI), at ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mag-iinspeksiyon sa mga establisimiyento para i-monitor kung sumusunod ang mga ito.
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong Miyerkoles ang limited dine-in para sa restaurants at fast food branches alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI),
Comments are closed.