HOTEL SUPERVISOR INARESTO SA OB PASS

INARESTO kahapon ng mga security guard sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) terminal 1 ang hotel supervisor ng Okada Casino matapos mahuli sa akto na nag-escort sa isang foreign national gamit ang unauthorized access pass sa airport.

Isinailalim sa imbestigasyon si Bridget Cunanan  ng mga tauhan ng General Manager for Security and Emergency Services dahil sa paglabag ng MIAA rules and regulations.

Sa  pagsisiyasat naman ng mga tauhan ng Lanting Security Agency  na pinamunuan ni Roderick Dalicon, dakong 11:20 ng umaga kahapon nang makapasok si Cunanan sa immigration area, at dito nadiskubre na gumamit ito ng immigration official business pass (OB) kasama pa ang mission order form.

Nakita nila na mayroong irregularity sa paggamit ng naturang OB pass sapagkat  ito ay “for official use only”.

Nadiskubre  na ang naturang OB pass ay nakapangalan sa  airport manager ng Okada na ibinigay kay Cunanan ng isang Terderly Sarno na kapwa niya supervisor.

Galing umano ang  OB pass sa Pass Control employee na Catherine Lorbes na siyang nag-i-isyu ng airport employee monthly pass. F MORALLOS

Comments are closed.