(Hotel worker nagpositibo sa COVID-19) 600 AUSSIE OPEN PLAYERS, STAFF NAKA-ISOLATE

Daniel Andrews

ISANG kaso ng COVID-19 sa isang quarantine hotel sa Melbourne ang nagtulak sa mga organizer ng Australian Open na i-isolate ang aabot sa 600 players, officials at support staff, apat na araw na lamang bago ang pagsisimula ng tennis championship.

Ayon kay Victoria Premier Daniel Andrews, isang 26-year-old volunteer firefighter na nagsisilbing resident support officer ng torneo, ang nagpositibo sa virus.

Ang state ay walang naitalang local transmission ng virus sa loob ng 28 araw nang pumutok ang balita bandang alas-9 ng gabi local time noong Miyerkoles.

Sa ngayon ay nagpatupad na ng mga bagong restriction sa  6.7 million na populasyon ng state. Mandatory ang pagsusuot ng masks sa indoor public places at may bagong limits sa bilang ng mga taong maaaring magtipon-tipon sa isang kabahayan.

Ang hindi kinilalang lalaki na huling nagtrabaho sa Grand Hyatt Hotel noong Enero  29 ay nagnegatibo sa virus sa pagtatapos ng kanyang shift noong araw na iyon. Gayunman ay agad siyang kinakitaan ng sintomas at nag-positibo noong Miyerkoles.

Dahil dito, sinabi ni Andrews na may 500-600 katao na tumutuloy sa  hotel ang itinuturing na “close contacts” at kinakailangang i-isolate hanggang sa magnegatibo sa test.

Aniya, hindi dapat maapektuhan ng sitwasyon ang mismong Australian Open, na magsisimula sa Lunes.

Comments are closed.