HOTELS SA BORACAY PINAGTITIPID SA TUBIG NGAYONG SUMMER

TUBIG-9

HINIKAYAT maging ng water service providers ng Boracay ang mga establisimiyento na magtipid din sa pagkonsumo ng tubig bilang paghahanda sa inaasahang buhos pa ng mga turista ngayong summer season gayundin sa epekto ng El Niño.

Napag-alaman kay Boracay Island Water Company General Manager Maria Mabelle Amatorio, kailangang maging praktikal ang mga residente at turista sa paggamit ng tubig upang maiwasan ang pagkaubos ng supply nito gaya ng nangyari sa ilang siyudad sa Metro Manila.

Nagpaalala naman ang Boracay Tubi System Inc., sa mga may-ari ng mga hotel at resort gayundin sa mga residente na palaging i-monitor ang kanilang water connection nang maiwasan ang leakage o pagtagas.

Sa ngayon, nananatiling Nabaoy river ang pinagkukunan ng isla na nag-iisang tourist destination sa bansa na may centralized sewerage at water treatment system. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.