HOTSHOTS AYAW PAAWAT

hotshots

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – San Miguel vs Columbian

6:45 p.m. –  Ginebra vs Alaska

NAGPAKITANG-GILAS si Mark Barroca sa harap ng kanyang mga kababayan nang pulbusin ng Magnolia ang Meralco, 99-88, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa  Mayor Vitaliano Agan Coliseum sa Zamboanga City.

Tumabo si Barroca ng team-high 21 points at 7 assists upang tulungan ang Hotshots na makopo ang ika-5 sunod na panalo makaraang matalo sa unang dalawang laro at ipinalasap sa Bolts ang kanilang ika-4 na sunod na kabiguan.

Bukod kay Barroca ay nagbida rin si import James Farr sa pagka­mada ng 19 points, 17 rebounds, at 3 blocks, habang nag-ambag si Paul Lee ng 18 points at 3 rebounds mula sa bench.

Tinapos ng Magnolia ang maiden period na may 17-point lead mula sa mainit na 22-3 run, at magmula rito ay hindi na binitiwan ang trangko.

Tumipa si Ian Sangalang ng 11 points at 10 rebounds, nagdagdag si Jio Jalalon ng 9 points at 2 steals, at gumawa si Marc Pingris ng 4 points at 8 rebounds sa panalo.

Sa kanyang ­unang pagsalang sa PBA ay nagbuhos si Delroy James ng 35 points, 10 rebounds, 4 assists, at 3 blocks, subalit hindi ito sapat upang maiahon ang Bolts na bumagsak sa 3-6 kartada.

Samantala, kapwa hangad ng Barangay Ginebra at Alaska Milk na makabawi sa kanilang pagtutuos sa main game ngayon sa Araneta Coliseum.

Kapwa nila asam na maibalik ang winning form, papasok sa homestretch ng  one-round-robin elims sa kanilang salpukan sa alas-6:45 ng gabi.

Nalasap ng Kings ang 103-111 kabiguan sa Phoenix Pulse noong Biyernes, habang natalo ang Aces sa Fuel Masters, 76-78, noong Hunyo 15,  at pagkatapos ay yumuko sa San Miguel Beer, 107-119, pagkalipas ng anim na araw.

Ngayon ay kaila­ngang manalo ng Kings at Aces upang manatili sa kontensiyon para sa isang puwesto sa best-of-three quarterfinals.

Ang Ginebra at Alaska ay nasa three-way tie sa fourth place, kasama ang Fuel Masters sa 4-4. CLYDE MARIANO

Iskor:

Magnolia (99) – Barroca 21, Farr 19, Lee 18, Sangalang 11, Jalalon 9, Melton 6, Simon 5, Pingris 4, Herndon 3, Dela Rosa 3, Brondial 0.

Meralco (88) – James 35, Newsome 10, Tolomia 8, Hodge 6, Faundo 6, Jackson 5, Quinto 3, Salva 2, Amer 2, Canaleta 2, Ca­ram 2, Pinto 0, Hugnatan 0.

QS: 32-15, 51-53, 72-63, 99-88