HOTSHOTS LALAPIT SA KORONA

HOTSHOTS 

Laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

6:30 p.m. – Magnolia vs Alaska

(Game 3, Magnolia abante sa serye, 2-0)

ABANTE sa 2-0 sa best-of-seven series, sisikapin ng Magnolia Hotshots na makalapit sa kampeonato laban sa Alaska sa Game 3 ng PBA Governors  Cup finals ngayon sa Ynares Center sa Antipolo.

Sasagupain ng Hotshots ang Aces sa alas-6:30 ng gabi at determinado ang tropa ni coach Chito Victolero na manalo ulit at kunin ang 3-0 kalamangan sa serye.

“Our ultimate goal is to win. We will stay focus and play as a team. We will consolidate all our efforts to win and move closer to the title,” sabi ni coach  Victolero matapos talunin ang Alaska sa Game 2 na nagbigay sa kanila ng 2-0 lead.

Sinabi ni Victolero na gagamitin nila ang momentum mula sa da­lawang sunod na panalo para maagang matapos ang serye at makapagpahinga at paghandaan ang nalalapit na Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

“The momentum is on our side. We will utilize all the advantages to full use to win to inch closer to the crown,” ani Victolero.

Desperado si Alaska coach Alex Compton at ang kanyang mga bataan na  makabawi at pahabain ang serye upang buhayin ang ambisyong ibalik ang korona na matagal na nawala sa Alaska matapos lisanin ni coach Tim Cone ang koponan.

Sa kabila na nasa alanganing kinalalagyan sa pagkakabaon sa 0-2, hindi pa rin nasisi­raan ng loob si Compton at kumpiyansa siyang  makababalik sila sa serye.

“Down but not out,” sabi ni Compton “We are unfazed by the two successive setbacks. We will bounce back. We badly needed this game. We cannot afford to lose and we will do everything to win at all cost,” ani Compton.

“We studied thoroughly and closely analyzed and find out what departments we failed,” dagdag pa ni Compton.

Muling sasandal ang Magnolia sa kanilang import na si Romeo Travis, na tumipa ng game-high 24 points upang daigin si Alaska counterpart Mike Harris sa kanilang personal duel.

Nakahandang umalalay kay Travis sina Paul Lee, Andy Mark Barroca, Jio Jalalon, Ian Sangalang, Justine Melton, Rafi Reavis, Rome de la Rosa, Rafi Reavis at Peter June Simon.

Makakatuwang naman ni Harris sina Chris Banchero, JV Casio, Vic Manuel, Simon Enciso, Chris Exciminiano, Jeron Teng, Sonny Thoss, Carl Bryan Cruz at Nonoy ­Baclao. CLYDE MARIANO

Comments are closed.