HOTSHOTS LALAPIT SA KORONA

hotshots

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

7 p.m. – Magnolia vs San Miguel

Game 4, Hotshots abante sa 2-1

MULA sa pagiging li­yamado ay dehado na ngayon.

Ito ang delikadong kinalalagyan ng defending Philippine Cup champion San Miguel Beer na nahulog sa 1-2 sa  best-of-seven final series at kinakailangan ni coach Leo Austria ng agarang solusyon para mapanatili ang korona at mapigilan ang ambisyon ni Magnolia coach Chito Victolero na wakasan ang dominasyon ng Beermen.

Tangan ang 2-1 bentahe, haharapin ng Hotshots ang Beermen sa Game 4 ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum, determinadong manalo at lumapit sa pagkopo ng kotona.

Umaasa si Victolero na muling maglalaro nang husto ang kanyang tropa  tulad ng kanilang ipinakita sa Game 1 and 3 kung saan na-outshoot nila ang outstanding favourite at sister team SMB.

“The momentum is on our side. We will exploit it to the hilt and use as jumping board to pole vault to the top,” sabi ni Victolero, na katuwang ang kanyang mga assistant coach na sina kapwa ex-PBA players Johnny Abarrientos, Jason Webb, at Angelito Esguerra at team manager four-time MVP Alvin Patrimonio sa paggabay sa Hotshots.

Pinaalalahanan niya ang kanyang tropa na laging maging handa ‘physically and mentally’ at paralisahin ang opensiba ng Beer-men upang makalapit sa pagsungkit ng titulo.

Dahil nakataya ang kanyang pangalan at team bilang flagship sa tatlong koponan ni Ramon S. Ang,  tiyak na gagawin ni Austria ang lahat para mapanatili ang korona.

“We are dead serious win this game to strengthen our title retention bid,” wika ng 61-anyos na veteran coach na puntirya ang ika-5 sunod na korona mula 2012.

Sa kabila na nasa kanila ang momentum, hind pa rin komportable si Victolero.

“Although we lead the series, we are still the underdog. SMB is the outstanding and overwhelming favourite beng the champi-on. It has good materials and twin towers. We have to play our best out there to realize our ultimate dream,” ani Victolero.

Muling sasandal si Victolero sa kanyang scoring heroes na sina Pau Lee, Andy Mark Barocca, Jio Jalalon, Justine Melton at Robert Herndon, at sina Ian Sangalang at Rafi Reavis ang makikipagbanggaan kina June Mar Fajardo sa low post.

Tatapan ang opensiba ng Magnolia nina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Chris Ross at Terrence Romeo. CLYDE MARIANO