Mga laro ngayon:
(Ynares Center-
Antipolo)
4:30 p.m. – Alaska vs TNT
6:45 – San Miguel vs Rain or Shine
MATAPOS yumuko sa Phoenix ay masiglang bumalik ang Magnolia sa court at pinadapa ang GlobalPort, 92-87, para sa kanilang unang panalo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Angeles University Foundation sa Pampanga.
Hindi pinahiya ni Magnolia center Ian Sangalang ang kanyang mga kababayan sa Pampanga sa pag-iskor sa 6-0 run at kumalawit ang 6’3 ng krusyal na defensive rebound sa sablay na drive ni Stanley Pringle sa huling 38 segundo upang itakas ang panalo.
Tumawag ng timeout si GlobalPort coach Pido Jarencio at ikinasa ang huling play subalit hindi nangyari ang kanyang gusto nang mabigo si Pringle na maibuslo ang tira sa mahigpit na pagbabantay ni Marc Barroca.
“They fought the enemy and refused to go down. They were determined to win and I’m glad they did it,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero.
“Of course, I congratulate Ian (Sangalang) for his good game in the presence of his provincemates,” ani Victolero.
Dikit ang laro sa unang 24 minuto at nagtabla ng dalawang beses sa second period na nagtapos sa 37-all sa tira ni Sangalang.
Sa third quarter, kinuha ng GlobalPort ang kalamangan sa 45-38 sa puntos nina Pringle at Nico Paolo Javellana. Hindi nasiraan ng loob ang Hotshots at inagaw ang trangko, 52-45.
Sa fourth quarter, parang virtual shootout ang labanan na nagtabla ng dalawang bese, ang huli ay 85-all sa tira ni Paul Lee, may tatlong minuto ang nalalabi.
Pinamununan ni Sangalang ang huling opensiba ng Magnolia na na-outshoot ang GlobalPort.
Nalasap ng Batang Pier ang ikalawang talo sa apat na laro. CLYDE MARIANO
Iskor:
Magnolia (92) – Sangalang 22, Macklin 19, Dela Rosa 14, Ramos 9, Lee 8, Barroca 7, Simon 6, Jalalon 5, Pascual 2, Herndon 0, Brondial 0.
GlobalPort (87) – Anthony 20, White 17, Pringle 14, Tautuaa 12, Javelona 9, Grey 5, Araña 4, Elorde 2, Flores 2, Guinto 2, Teng 0, Gabayni 0, Juico 0.
QS: 20-15, 37-37, 65-62, 92-87
Comments are closed.