HOTSHOTS PINISAK ANG DYIP

Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – NLEX vs Blackwater
5:45 p.m. – NorthPort vs Meralco

NAGBUHOS si Nick Rakocevic ng game-high 45 points at kumalawit ng 25 rebounds sa kanyang debut upang sandigan ang Magnolia sa 100-92 panalo kontra Terrafirma sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Mall of Asia Arena.

Inagaw ng Dyip ang kalamangan sa 92-91 sa apat na sunod na puntos nina Juan Miguel Tiongson at import Lester Prosper, may tatlong minuto ang natitira sa laro.

Muling nakabalik ang Magnolia nang rumatsada ng 11-0 run na sinumulan ng tres ni Pau Lee at nilapatan ng finishing touches ni Rakocevic ang final score sa pamamagitan ng dunkshot matapos mag error ng Terrafirma para iposte ang unang panalo.

Hinigitan ni Rakocevic ang 43 points ni Prosper na kanyang tinalo sa una nilang paghaharap sa PBA at pinalawig ang paghihirap ng Terrafrma.

Si Rakocevic din ang nagbigay sa Magnolia ng pinakamalaking bentahe sa 15 points, 73-58, mula sa 59-54 half time lead sa third period bago pinagpahinga ni coach Chito Victolero.

Bumalik ang Serbian sa fourth period at nakipagsanib-puwersa kina Lee at Marc Andy Barroca tungo sa panalo.

Ang talo ay pangalawang sunod ng Terrafirma, ang una ay kontra Converge, 110-124.

Lumaban ang Terrafirma hanggang sa huli at muntik nang taunin ang Magnolia kung na-sustain nila ang opensiba sa fourth quarter.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Magnolia (100 ) – Rakocevic 45, Jalalon 12, Sangalang 10, Lee 9, Corpuz 9, Barroca 8, Wong 2, Dionisio 2, Dela Rosa 1, Ahanmisi 0, Mendoza 0.
Terrafirma (92) – Prosper 41, Tiongson 19, Munzon 8, Cabagnot 6, Cahilig 4, Gomez de Liano 4, Ramos 4, Camson 3, Gabayni 3, Alolino 0, Calvo 0, Mina 0, Balagasay 0.
QS: 29-26, 59-54, 80-71, 100-92