Mga laro ngayon:
DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga
2 p.m. – TNT vs San Miguel
4:35 p.m.- Magnolia vs Meralco
TARGET ng Magnolia at TNT na makalapit sa finals sa Game 4 ng kani-kanilang semifinal series sa PBA Philippine Cup ngayong Linggo sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Tatangkain ng Tropang Giga na maitarak ang 3-1 bentahe kontra San Miguel Beermen sa alas-2 ng hapon, gayundin ang Hotshots laban sa Meralco Bolts sa alas-4:35 ng hapon.
Ngunit nasa Bolts ang momentum makaraang makahirit sa Game 3 sa pamamagitan ng 91-86 panalo noong Biyernes upang tapyasin ang kanilang deficit sa best-of-seven series sa 1-2.
At kung may listahan ng mga koponan na may kakayahang makalikom ng tatlong sunod na panalo, naroon ang Meralco makaraang magtala ng apat na sunod na panalo sa pagtatapos ng eliminations at maging second-seed sa playoffs.
Maaaring nakabalik ang Bolts sa serye, ngunit batid ni coach Norman Black na naghahabol pa rin ang kanyang tropa at ang pangunaging prayoridad nila ngayon ay ang mapanatili ang parehong lakas na kanilang ipinamalas sa Game 3.
“They (Hotshots) still have a 2-1 advantage so they’re still up, as far as the series is concerned,” ani Black.
Sa kabila ng pagkatalo sa Game 3 ay naniniwala naman si Magnolia coach Chito Victolero na walang dahilan para mag-panic ang kanyang koponan.
“Not the time to panic, but it’s the time to have that sense of urgency na we need to go back to our system, kung ano nagdala sa amin dito sa semis,” wika ni Victolero sa bisperas ng Game 4.
“Siguro we need to match ‘yung will to win and aggressiveness nila,” dagdag ni Victolero. “Kaya we need to try and refocus again and we need to bounce back hard.”
Tunay na ipinakita ng Meralco ang kanilang determinasyon sa Game 3 kung saan nalusutan nila ang pagkawala ng ilang players, pangunahin si starting center Raymond Almazan (sprained left ankle), upang maitakas ang panalo.
“We expected the best game of Meralco in Game 3 because of what’s at stake for them. Pinag-usapan nga naming ‘yun sa pre-game,” ani Victolero.
“Ang mahirap, hindi namin natapatan, ‘yung kanilang aggressiveness saka will nila,” dagdag ni Victolero. “Pero I expect na we can and will avoid that sa Game 4.”
Samantala, determinado ang Tropang Giga na mapanatili ang naging epektibo sa kanilang kampanya laban sa Beermen.
Inaasahang higit na pakakayurin ni coach Chot Reyes ang kanyang tropa upang masundan ang panalo sa Game 3 na nagbigay sa kanila ng 2-1 bentahe sa serye at makadikit sa finals. CLYDE MARIANO
206822 401913I see your point, and I entirely appreciate your article. For what its worth I will tell all my friends about it, quite resourceful. Later. 925363
634738 311513just couldnt leave your web site before suggesting that I genuinely loved the normal information a person offer for your visitors? Is gonna be once again ceaselessly to check up on new posts 804558
912091 989994Some truly howling function on behalf with the owner of this website , dead wonderful subject matter. 626101