NAKATAYA ulit ang house and lot para sa gold medal na masusungkit ng isang Filipino athlete sa Paris Olympics.
“If I gave houses and lots to the medalists in the Tokyo Olympics, why can’t and won’t do it again for Paris,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa official launching ng POC-Cignal TV partnership “Isang Daang Taon Laban Para sa Bayan: Celebrating 100 Years of Filipino Excellence in the Olympics” nitong Huwebes sa Cignal’s Launchpad Building headquarters sa Mandaluyong City.
Si Tolentino, sa kanyang kapasidad bilang POC chief at mayor ng Tagaytay City, ay nagkaloob ng houses and lots sa medalists ng bansa sa Tokyo 2020 Olymmpics—gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo at boxing silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
Subalit dahil sa pagbuhos ng medalya — ang pinakamarami ng anumang Philippine delegation sa quadrennial Games—binigyan din ni Tolentino si boxer Eumir Felix Marcial ng kanyang sariling bahat at lupa para sa kanyang bronze medal.
Ang compound kung saan matatagpuan ang bahay ng tatlong boksingero sa Tagaytay City ay tinatawag ngayong Olympic Village.
“Our gold medalist, one or more, in Paris fully deserves this reward for their hard work, dedication and love for sport and country,” sabi ni Tolentino, ang unang POC president na nagkasa ng month-long training camp para sa isang Olympic participation ng anumang Philippine delegation. Ang Filipino athletes na sasabak sa Paris ay magkakaroon ng pribilehiyo ng month-long training camp sa La Moselle sa Metz na kumpleto ng training facilities para sa anumang sport, board at lodging.