HOUSE LEADERSHIP SUPORTADO ANG PAGBUWAG SA ‘ROAD BOARD’

REP-ANDAYA

MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag ng kagustuhan nitong tuluyan nang buwagin ang kontrobersiyal na Road Board, na siyang nangangasiwa sa paggamit ng bilyong pisong pondo mula na nakolektang ‘road user’s tax’, na sa halip ay nais na ilalaan ng Punong Ehuktibo bilang badget para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng kalamidad.

Kaya naman alinsunod dito, sinabi ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na ang naunang panukalang batas na naipasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa pagbuwag ng naturang board ay mababalewala na.

“He (President Duterte) wants total road board abolition, not fake abolition. The utilization of MVUC (Motor Vehicle User’s Charge) in the bill is complete opposite of what the President wants.” sabi pa  ni Andaya.

Sa kasalukuyang panukalang batas na inaprubahan ng naunang liderato ng Kamara, bagama’t aalisin na ang Road Board, ang pondong pinamamahalaan nito ay ililipat sa pangangasiwa ng tatlong kalihim ng gabinete.

Kung mangyayari ito, maaaring maituring na ‘Three Road Kings’ ang mga kalihim na hahawak sa nakolektang  MVUC at may posibilidad pa rin na magkaroon ng iregularidad sa paggastos nito.

Binigyan-diin ni Andaya na kailangang maisama sa line-item fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) o taunang budget ng gobyerno ang nakolektang Road User’s Tax.

“This way, the real and full funding level of the DPWH is reflected clearly, unlike today when MVUC spending is segregated and treated as a non-national budget expenditure,” dagdag ng solon. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.