HOUSING UNITS PARA SA MGA SUNDALO

housing unit-2

BULACAN – Mama­mahagi  ng housing units si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ­ilang gabinete at ilang opisyal ng pamahalaan  sa Brgy. Tartaro-Sibul sa bayan ng San Miguel mula sa halos 50 ektar­yang lupain.

Layon ng pagdating nang pangulo na ipamahagi sa mga sundalo mula sa first scout ranger regiment ang inisyal na 500 housing units na may sukat na 60 square meters.

Nabatid na ang natu­rang proyekto ay bahagi ng New AFP/PNP housing program ng pamahalaan.

Kabilang si Sec. Delfin  Lorenza ng Department of National Defence, HUDCC chairman Eduardo del Ro-sario at NHA General Manager Marcelino Escalada.

Matatagpuan ang mga housing units sa bahagi ng Scout Ranger Ville sa nabanggit na bayan.

THONY ARCENAL

Comments are closed.