HULING HAPUNAN NG NEGOSYANTE

pinagbabaril

CEBU –NAGSILBING huling hapunan na ng isang 70-anyos na negosyanteng babae ang kanyang kinakain ng paslangin ito ng riding in tandem suspect sa kanilang bahay sa Barangay Ermita.

Kinilala ang babaeng biktima na si Erlinda Garcia, 70-anyos, businesswoman na tubong Carcar City.

Ayon kay Police Staff Sergeant Joel Perolino ng Cebu City Police Office may hawak ng kaso, dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi habang  naghahapunan si Garcia ay dumating ang dalawang armadong lalaki na lulan ng  motorsiklo.

Agad itong pinagbabaril ng mga salarin at saka mabilis na tumakas.

Hinihinalang perso­nal na away o sigalot sa negosyo ang motibo ng mga suspek sa ginawang pagpatay sa matandang babae.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad at tinitignan  kung may CCTV sa pinangyarihan ng pananambang na maaring magamit para makilala ang mga salarin.

Tanging apat nabasyo lamang ng 9 mm. pistol ang nakuha ng PNP SOCO sa Crime scene. VERLIN RUIZ

Comments are closed.