SULU – NAISALBA ng Joint Task Force Sulu ang huling bihag na hawak ng Abu Sayyaf group pasado alas-6 ng gabi noong Enero 15 sa Barangay Bato-Bato, Indanan.
Ayon Kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP- Western Mindanao Command, ang pagkakaligtas sa Indonesian hostage na si Muhammad Farhan ay resulta ng intensive military at intelligence operations ng JTF Sulu.
Natukoy ng tropa ang lokasyon ni Farhan sa pamamagitan ng impormasyon mula sa lokal na komunidad at agad isinagawa ng rescue operation.
Unang dinala si Farhan sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa medical examination, bago inilipad sa Camp Navarro General Hospital para sa debriefing.
Pinuri ni Sobejana ang mga tropa ng JTF Sulu sa kanilang malaking accomplishment na mailigtas ang lahat ng nalalabing bihag na hawak ng ASG.
Sinabi ni Sobejana na magpapatuloy ang operasyon ng militar sa pagpapahina sa puwersa ng Abu Sayyaf para matapos na ang kanilang pangingidnap, at tuluyang malansag ang terrorist group. REA SARMIENTO / VERLIN RUIZ
Comments are closed.