(Huling q’final slot pag-aagawan) GIN KINGS O FUEL MASTERS?

Mga laro ngayon:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

4:35 p.m. – Ginebra vs Phoenix

MAG-AAGAWAN ang defending champion Barangay Ginebra at Phoenix Super LPG sa eighth spot sa 46th PBA Philippine Cup quarterfinals ngayong Sabado sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nakatakda ang laro sa alas-4:35 ng hapon kung saan kapwa determinado ang Gin Kings at Fuel Masters na samantalahin ang panibagong pagkakataon na makapasok sa playoffs against laban sa naghihintay na No. 1 at twice-to-beat TNT Tropang Giga (10-1).

“We’ve been given an unexpected reprieve so we want to do our best and take advantage of it,” wika ni Ginebra coach Tim Cone.

Nabigo ang Gin Kings na makausad agad makaraang malasap ang 66-79 pagkatalo sa No. 2 Meralco Bolts sa kanilang huling elims assignment noong Huwebes para sa 4-7 kartada.

Dahil dito ay nalagay ang tropa ni Cone sa bingit ng pagkakasibak habang nakuha ng Phoenix, may 4-7 record din, ang isang puwesto sa sudden death para sa No. 8 kontra Terrafirma (4-7) o Ginebra, depende sa kung magtatapos ang Alaska na may apat na panalo matapos ang huling laro ng Aces kontra NorthPort.

Inihulog ng Batang Pier ang Aces sa 11th place kasunod ng 122-94 panalo noong Huwebes ng gabi. Nagresulta ito sa three-way para sa No. 8 at makaraang i-apply ang tiebreak, kinuha ng Phoenix ang unang puwesto at ng Ginebra ang ikalawa.

“The No. 8 spot won’t be given to us. We have to earn it,” wika ni Phoenix mentor Topex Robinson, na ang koponan ay halos ma-sibak na sa kontensiyon makaraang matalo sa San Miguel, 80-110, noong nakaraang Sept. 17.

Sisikapin ng Ginebra na maipagpatuloy ang post-elims streak nito at makaiwas na maging unang All-Filipino champion na nasibak sa playoffs sa title-defense nito matapos ng Shell noong 2000.

“The guys know the road is tough and has been tough but it starts with one step. That step starts tomorrow with our game against Phoenix,” sabi ni Cone, na iniinda ang pagkawala nina Japeth Aguilar (injury) at Scottie Thompson (health protocols).

Tinalo ng Ginebra ang Phoenix, 94-87, sa kanilang Sept. 15 matchup kung saan ipinamalas ng Gin Kings ang kanilang never-say-die spirit sa gitna ng 19-point deficit.

Magmula noon ay natalo na ang defending champs sa kanilang huling dalawang laro. CLYDE MARIANO

59 thoughts on “(Huling q’final slot pag-aagawan) GIN KINGS O FUEL MASTERS?”

  1. 532329 492258I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only lately have I got a chance to checking it and need to let you know nice work. 925017

Comments are closed.