HUMIHINGA PA ANG BOLTS

Laro sa Biyernes:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

3 p.m.- TNT vs San Miguel

6 p.m.- Magnolia vs Meralco

BUHAY pa ang Meralco Bolts makaraang malusutan ang Magnolia Hotshots, 102-98, sa Game 5 ng kanilang best-of-seven semifinal series sa 2021 PBA Philippine Cup, Miyerkoles sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Tinapyas ng  Bolts ang series deficit sa  2-3 at maaaring ipuwersa ang decider kung mananalo sila sa Game 6 sa Biyernes.

Gumanap na mga bayani si Allein Maliksi at ang nagbabalik na si Raymond Almazan sa mga huling minuto upang sandigan ang panalo ng Meralco at biguin ang ambisyon ng Magnolia na kunin ang unang final seat.

Bumanat si Maliksi ng dalawang tres at tatlong free throws para ilagay ang talaan sa 99-96 at kumalawit si 6-foot-6 Almazan ng defensive rebound sa sablay na drive ni Jio Jalalon tungo sa panalo.

Nagbuhos si Maliksi ng game-high 29 points habang nag-ambag si John Nards Pinto ng career-high 25 points sa panalo ng Meralco.

Hindi naglaro si Almazan sa Game 4 dahil sa injury sa paa kung saan nanalo ang Magnolia upang lumapit sa finals. Bumalik sa court ang 6-foot-6 starting centre at tinulungan ang Meralco na kunin ang Game 5.

Tumipa si Almazan ng 8  points, subalit ang kanyang defensive rebound ang nagdala sa Meralco sa panalo.

Umiskor si Calvin Abueva ng alley-op shot para sa 98-100. Subalit sumablay ang forced drive ni Jalalon matapos tumawag ng timeout si Magnolia coach Chito Victolero.

“They refused to go down and were determined to win. I praised them for their efforts,” sabi ni Meralco coach Norman Black na puntirya ang ika-12 korona.

Masaklap ang pagkatalo ng Magnolia na kinontrol ang laro subalit bumigay sa huli at nabalewala ang 29 puntos na kinamada ni Marc Andy Barroca.

“We failed to sustain our game down the stretch. It’s very disappointing and frustrating,” pailing na sinabi ni Victolero.

Sinabi ni Victolero na kailangang maglaro sila nang husto sa Game 6 at tapusin ang best-of-seven semifinals.

“We cannot afford to lose in Game 6. We have to win at all cost and end the semifinal series,” wika ng 44-anyos na coach, na target ang ikalawang PBA title matapos mapanalunan ang Governors’ Cup. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (102) – Maliksi 29, Pinto 24, Newsome 23, Almazan 9, Hugnatan 6, Hodge 4, Belo 4, Quinto 3, Black 0, Jackson 0, Jose 0, Caram 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

Magnolia (98) –  Barroca 25, Abueva 19, Sangalang 15, Lee 13, Jalalon 12, Ahanmisi 8, Reavis 6, Brill 0, Corpuz 0, Melton 0, Capobres 0, Dela Rosa 0, Pascual 0, Dionisio 0.

QS:  23-23, 45-47, 69-71, 102-98.

4 thoughts on “HUMIHINGA PA ANG BOLTS”

  1. 400742 285750This constantly amazes me exactly how blog owners for example yourself can locate the time and also the commitment to maintain on composing amazing weblog posts. Your internet site isexcellent and 1 of my own ought to read blogs. I merely want to thank you. 160786

Comments are closed.