HUMITHIT NG MARIJUANA, GRADE 10 STUDE BUKING NI TEACHER

marijuana

AKTONG nahuli ng isang guro ang ginawang paghithit ng umano’y marijuana ng isang Grade 10 student ng Arellano University matapos maamoy ang usok ng pinatuyong dahon ng Marijuana nang mapadaan sa comfort room, sa Sampaloc, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District –Police (MPD)- Station 4, ang estudyante na kinilalang si James ‘di tunay na pangalan ng Pandacan, Maynila.

Ayon kay Mark John Peña, guro sa nabanggit na Unibersidad sa Legarda St., Sampaloc, dakong alas-7:00 ng gabi habang naglalakad siya sa hallway ay nakaamoy siya ng usok ng Marijuana na nagmumula sa loob ng comfort room.

Nang mapatapat na ang guro sa pintuan, dito naman eksaktong lumalabas si James.

Nabatid na wala umanong ibang tao sa loob ng CR maliban kay James kaya hinabol niya ito at kinumpronta.

Habang nag-uusap ay napansin ng guro ang isang maliit na glass tube pipe na may laman umanong marijuana na may fruiting taps dahilan para dalhin ang estu­dyante sa guwardiya at saka i-tinurn over sa pre­sinto.

Inaalam pa ang mga posibleng kasong isampa laban sa menor de edad na estudyante habang ipinatawag na rin ang mga magulang nito.

Aalamin rin kung dapat iturn over sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad. PAUL ROLDAN