MAKATI CITY – HINDI akalain ng isang lalaki na ‘bad day’ niya kahapon makaraang dumiretso sa kulungan sa halip sa kaniyang planong puntahan.
Sa ulat, bumibili lamang ng beep card para sa Light Rail Transit si Christian Marcelino, 21-anyos, nagtatrabaho bilang aircraft cleaner at residente ng Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City nang biglang mahulog sa kanya ang sachet ng marijuana.
Batay sa imbestigasyon, pasakay sa LRT sa Libertad Station at humugot ng pera sa bulsa nang aksidenteng malaglag ang marijuana mula sa kanyang bulsa.
Sinubukan pang tapakan ng suspek ang sachet para hindi mahalata subalit nakita na agad ito ng guwardya na inakalang dumura ito.
Sisitahin na sana ng security guard si Marcelino nang magulat nang madiskubreng marijuana ang tinapakan ng suspek.
Kasama pa ng suspek ang nakababatang kapatid nang maganap ang insidente. ROSE LARA
Comments are closed.