HUWAG IKOMPROMISO ANG HVT LIST NG PNP

SEN-BONG-GO

PASAY CITY  – “KUNG gusto mo talagang sugpuin ang ilegal na droga, huwag mo ikompromiso ang listahan lalo na ang mga law enforcer natin,” ito ang tugon ni Senator Christopher Bong Go sa issue ng High Value Target list na gustong makita ni Vice President at anti-drug czar Leni Robredo.

Pahayag ni Go na sa halip na magsalita sa ibang bansa at idamay ang mga hindi kasali sa usapin mas magandang magtulungan na lang.

Muli namang tiniyak ni Go na full support sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra droga.

Inihayag ni Go na kung 82% ng mga Pinoy ang sumasang-ayon noon sa kampanya ni Pangulong  Duterte sa illegal drugs, baka kaya itong pataasin ng vice president sa 90% o mas mataas pa.

Binigyang diin ng senador na dapat mauna palagi ang kapakanan ng  mas maraming Filipino  at sana ay huwag nang madagdagan ang mga nagiging biktima ng ilegal na droga.

Nanindigan din ito na imposibleng failure ang kampanya ni pangulong Duterte laban sa illegal drugs dahil patunay rito ang 82% ng mga pabor sa paraan ng pangulo.

Dapat  aniyang proteksiyonan ang mga inosenteng  Filipino laban sa illegal drugs. VICKY CERVALES

Comments are closed.