HUWAG MABAHALA SA MONKEYPOX VIRUS-EXPERT

HINDI dapat mabahala ang publiko sa monkeypox virus na kumakalat ngayon sa ilang mga bansa.

Ayon kay Health reform advocate at dating special adviser ng National Task Force (NTF) against COVID-19 Dr. Anthony Leachon, ang monkeypox ay hindi gaanong nakakahawa kumpara sa COVID-19.

Kailangan lamang aniyang maging handa ang gobyerno gayundin ang publiko sa posibleng pagpasok nito sa bansa.

Mahalaga rin aniya na magkaroon ng self-awareness at public education ang bawat isa.
Sa ngayon, wala pang nade-detect na kaso ng monkeypox sa bansa pero pinaiigting na ng pamahalaan ang screening sa mga border. DWIZ882