HUWAG MUNA SA LIBYA!

LIBYA-2

PASAY CITY – PINA­YUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na ipagpaliban muna ang pagtungo sa Libya at pahupain muna ang kaguluhan doon bago ituloy ang kontrata bilang worker.

Maging ang mga OFW na nasa bansa para sa bakasyon ay pinaalalahanang huwag munang bumalik  upang hindi mapahamak.

Paglilinaw naman ng kagawaran na walang nakataas na ban deployment sa nasabing bansa kundi pinag-iingat lamang ang mga Filipino

Habang ang mga Pinoy na nakabase sa nasabing middle east country ay pinag-iingat at maging mapagbantay.

“Filipinos living within a 100-kilometer radius of Tripoli should remain vigilant,” ayon sa statement ng DFA.

Magugunitang noong isang linggo ay nakita ang troop movement sa Tripoli, kapital ng Libya,  habang tumaas din ang tensiyon nang akusahan ni Libyan Prime Minister Fayez al-Sarraj ang kanyang karibal na si Khalifa Haftar ng pagtataksil ukol sa opensiba ng mi-litar sa nasabing lugar.

Ito ay nang itinuloy ng mga sundalo ang tapat sa Libyan commander sa kabila ng panawagang itigil na ang digmaan.

Sa isang televised address, nagbabala si Sarraj sa isang “giyerang walang mana-nalo.”

Una rito, pinabagal ng Government of National Accord (GNA) ni Sarraj ang pagsulong ng mga pro-Haftar fighters.

Noong Sabado ay naglunsad ng airstrikes ang GNA laban sa Libyan National Army ni Haftar sa Tripoli. GELO BAIÑO

Comments are closed.