IAN VENERACION ‘DI INIENGGANYO ANG MGA ANAK NA PUMASOK SA SHOWBIZ

IAN VENERACION

BUKOD sa pag-arte, pagtugtog ng gitara at piano, marami pang talento si Ian.the point

Isa rin siyang pintor na makailang beses nang nagkaroon ng kanyang art exhibits. Mahilig din siyang magluto dahil graduate si-ya ng culinary arts.

Isa rin siyang lisensyadong piloto na masasabing pantasya ng mga kababaihan na magmaneho ng kanilang mga pribadong ero-plano.

Isa rin siyang sportsman na mahilig sa extreme sports tulad ng  football, basketball, boxing, golf, sailing, paragliding, moto-cross, scuba diving, mountain climbing, skydiving at marami pang iba.

Ito rin ang paraan ng ‘bonding’ niya sa kanyang mga anak na isinasama niya sa kanyang out of town exploration at adventures.

Kaya naman, binabansagan si Ian bilang coolest DILF (Dad I’d Like to ‘Friend’) ng mga millennial dahil siya iyong barkada lang ang turing sa kanyang mga anak.

Speaking of his children, especially ang panganay niyang si Draco, maraming nakapansin na artistahin ang mga ito at napakalaki  ng potensiyal kung papasok ang mga ito sa showbiz.

Pero ayon kay Ian, hindi raw naman niya nakakitaan ng hilig ang mga itong pasukin ang mundo ng glitz and glamor.

“They can be who they want to be. I’m just here to support them. Kasi sa bahay, hindi kami ma-TV. Sa mga kuwarto, wala. Sa living room, sa kitchen, walang TV. Hindi sila masyadong ma-showbiz,” hirit niya.

Hindi rin daw naman niya ini-encourage ang mga ito, dahil priority sa kanya bilang magulang na matapos ng mga ito ang kanilang pag-aaral.

“I would not encourage them. I would not discourage them either. I would honestly prefer that they choose their own path. Kasi, I would not be able to help them myself, kasi sa showbiz, tatawag ka sa mga prodyuser na ‘O, i-cast mo naman ito o si ganito’ which is not my cup of tea or else I’ll be depriving them of this and that,” sey niya.

“I’m enjoying that in my life, wala akong padrino. Wala akong showbiz family na you really have to hone your skills to prove your worth. When you land in a job kasi, you’re confident because of the work that you’ve done and nothing else.. and  I don’t want my kids to be in that position na hindi naman nila pinaghirapan,” dugtong niya.

Pagkatapos ng kanyang matagumpay na concert, balik sa pag-arte si Ian sa isang proyekto kung saan makakasama niya sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez.

MAG-ASAWANG MAX AT PANCHO ENJOY NA MAGKASAMA SA ISANG SHOW

ENJOY ang Kapuso actress na si  Max Collins na kasama ang kanyang husband na si Pancho Magno sa “Healthy Ever After,” isang napapanahong talk show na tumatalakay sa mga isyu tulad ng family planning, maternal care, safe motherhood, newborn care packages, breastfeeding, expanded program on immunization, at adolescent health sexuality.

“Enjoy na ka-bonding mo sa isang show ang iyong husband. Actually, first time na magkakasama kami ni Pancho sa isang talk show. First time rin namin na mag-host together so kakaiba siyang experience ,” tsika niya.

Feeling pa ni  Max, marami rin daw siyang experiences na puwedeng mai-share sa  nasabing  show.

“It will tackle family issues. I’m glad na nabigyan kami ng ganitong klaseng show na marami ang makaka-relate at maging kami ay makaka-relate,” aniya.

Speaking of her lovelife, nasa cloud 9 pa rin si Max sa piling ng kanyang hubby.

Wala pa raw silang balak magkaanak dahil nanatiling priority nila ang kanilang mga trabaho.

“Maybe kapag hindi na kami busy. Hindi naman kami nagmamadali,” pagwawakas niya.

Comments are closed.