PARA kay Ian Veneracion, tanggap niya kung anuman ang sexual orientation ng daughter niyang si Dids.
Katunayan, nang magkumpisal daw ito sa kanya, tulad ng isang magulang, hindi raw niya ito hinusgahan o kinumpronta.
Naaalala niya noon nang magtapat ito na mas interested ito sa girls kaysa sa boys.
“Kinukulit ko ‘yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary eyed. Sabi niya ‘Daddy, I have to tell you something.’ Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’ Tapos, sabi ko sa kanya, ‘Me also I like girls.’ So parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’ Sabi ko, ‘Yes. Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’ Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be and I have full support,'” aniya.
Hirit pa niya, noon pa raw ay naaamoy na niya ito, pero hinihintay lang niya na mag-open up ito sa kanya.
“Actually, natawa siya. Sabi niya, ‘You know?’ Sabi ko, ‘Oo naman, bata ka pa ang macho mo na.’ So alam ko na dati,” dugtong niya.
Pinayuhan din daw niya ang anak tungkol dito.
“Nakakapanghinayang lang, isa lang ang buhay natin. Tapos kapag nabuhay ka parang apologetic ka pa na nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. Parang what a waste of life.”
Dagdag pa ni Ian, suportado rin daw ng misis niya ang sekswalidad ng kanilang anak na si Dids.
Si Ian ay kasama ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na nalalapit na concert na “Kilabo Titos” sa Marso 20 at 21 sa New Frontier Theater.
Comments are closed.