(Ibabalik sa Sept. 29)VISA-FREE ENTRY SA MGA PINOY SA TAIWAN

Taiwan

MULING makabibiyahe ang mga Pinoy sa Taiwan nang walang visa simula sa Setyembre 29.

Sa isang bulletin na may petsang Setyembre 22 ay isinama ng Bureau of Consular Affairs ang Pilipinas, kasama ang 10 karagdagang bansa sa listahan nito ng states na pasok sa visa-free entry scheme nito.

“Nationals of Philippines (effective till July 31, 2023), except those holding diplomatic or official/service passports, are eligible for the visa exemption program, with a duration of stay of up to 14 days,” nakasaad sa bulletin.

Ang iba pang bansa na nasa listahan ay ang Chile, Israel, Japan, South Korea, Nicaragua, Dominican Republic, Singapore, Malaysia, Thailand, at Brunei.

Ang mga Pinoy ay unang nakasama sa visa-free policy sa nine-month trial period mula November 2017 hanggang July 2018, kung saan maaari silang manatili nang walang visa sa Taiwan sa loob ng 14 araw.

Magmula noon ay taon-taon nang pinalawig ang polisiya.

PNA