(Ibinabala ng BSP) MAG-INGAT SA TEXT HIJACKING

PINAG-IINGAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa “text hijacking” ngayong Pasko.

“Text hijacking is when scammers insert themselves into text message conversations between users and financial institutions, making them seem trustworthy,” paliwanag ng BSP.

Sinabi ng BSP na ang mga suspect sa likod ng text hijacking ay gumagamit ng mga device na nagbo-broadcast ng mas malakas na signal kaysa sa mga kalapit na lehitimong cellular towers, “tricking phones in an area into connecting to them instead of the real network.”

“Once connected, fraudsters can then send SMS or text messages with malicious content or phishing links to achieve their objectives, potentially compromising sensitive information,” ayon sa central bank.

Ayon sa BSP, makaiiwas ang mga Pilipino na mabiktima ng text hijacking sa hindi pag-click sa anumang links na ipinadala sa pamamagitan ng text messages.

“Remember that banks (or) e-money issuers will NEVER ask you to click a link sent through email or SMS to execute transactions that you did not initiate,” pagbibigay-diin ng BSP.

Payo pa ng BSP sa publiko, i-report ang mga kahina-hinalang transaksiyon sa kanilang accounts sa kanilang mga bangko at e-wallets.

Inamin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na umiiral pa rin ang text scams o scam messages sa kabila ng pagpasa sa SIM Registration law.

Subalit sinabi ng DICT na ipinasara na nito ang scam hubs sa bansa bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na puksain ang madayang digital operations.