NAGBABALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa posibleng pagkalat ng pekeng pera sa harap ng plano nitong pag-imprenta ng hanggang kalahating bilyong bagong 1,000 polymer banknotes.
Ayon sa BSP, target nitong magpakalat ng 500 million polymer notes pagsapit ng 2023 na unti-unting papalit sa P1,000 paper banknotes.
Ang polymers ay sinasabing non-porous, 100% water-proof, at hindi madaling mapunit.
Sa kasalukuyan ay nakapaglabas na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 10 million P1,000 polymer bills magmula noong Abril.
Hindi pa natatapos ng central bank ang cost-benefit analysis nito sa introduksiyon ng polymer banknotes, bagaman binanggit ang karanasan ng central banks sa ibang mga bansa.
“England reports a decrease of 25% in production cost. New Zealand saw a decrease of 58% in production note issuance cost. Australia reports 1 billion dollars of cost savings. So optimistic tayo [So we are optimistic],” sabi ni BSP Senior Currency Specialist Xyza Jane Templonuevo.
Ang paggawa at pagpapakalat ng pekeng pera ay may kaukulang parusa sa ilalim ng umiiral na batas.
“Counterfeits are not money. So they do not have value, therefore they cannot be exchanged. That’s why a person receiving a counterfeit note will take a loss,” paliwanag ni Templonuevo.