BINALAAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko hinggil sa mga pekeng e-Visa website.
Ayon sa DFA, nakarating sa kanila ang ulat na may aktibong website na naglalaman ng misinformation tungkol sa e-Visa.
Sinabi ng DFA na ang lahat ng impormasyon tungkol sa e-Visa ay isasapubliko sa pamamagitan lamang ng kanilang official channels.
Ang Philippine e-Visa system ay ilulunsad pa lamang sa Philippine Foreign Service Posts sa China sa August 24, 2023.
Sinabi pa ng DFA na kasalukuyan pa itong inaayos ng ahensiya sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
-LIZA SORIANO