(Ibinabala ng DOLE) DEPLOYMENT BAN SA SAUDI

Silvestre

NAGBABALA si Labor Secretary Silvestre Bello III na muli niyang isusulong ang deployment ban sa Saudi Arabia kapag tumanggi itong bayaran ang bilyon-bilyong pisong halaga ng unpaid wages at benefits ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Bello, hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran ng Middle Eastern country ang claims ng libo-libong OFWs na pinauwi noong 2016 makaraang hindi sila bayaran ng kanilang employers.

Ayon kay Bello, ang total claims ay nagkakahalagang P4.6 billion.

“Kapag hindi tayo pinagbigyan, I will again recommend a deployment ban,” banta ng kalihim.

Sinabi ni Bello na tatalakayin niya ang isyu sa nakatakda nilang pagpupulong ng kanyang Saudi counterpart at ng iba pang labor ministers mula sa buong mundo.

“I will not give them any more grace period,” aniya. “The settlement should be now and not later. Mahigit apat na taon na ‘yan eh. Hirap na hirap na ‘yung ating mga kababayan.”

Noong Setyembre ay nagbabala rin ang DOLE na sususpendihin ang pagpapadala ng Filipino workers sa Saudi Arabia kasunod ng mga reklamo ng pagmamaltrato ng mga OFW laban sa kanilang employer, na isang retired Saudi Arabian military general.

Noong panahong iyon, dalawa sa mga complainant ang nasa mga kamay pa ng abiusadong employer.

Noong nakaraang linggo,  sinabi ni  DOLE Information and Public Service director Rolly Francia na hindi na matutuloy ang suspensiyon dahil nasa kustodiya na ng Philippine authorities ang dalawang nalalabing OFWs at nakatakda nang umuwi.

9 thoughts on “(Ibinabala ng DOLE) DEPLOYMENT BAN SA SAUDI”

  1. I’m writing on this topic these days, casino online, but I have stopped writing because there is no reference material. Then I accidentally found your article. I can refer to a variety of materials, so I think the work I was preparing will work! Thank you for your efforts.

  2. 769852 104721I really got into this article. I located it to be interesting and loaded with special points of interest. I like to read material that makes me think. Thank you for writing this wonderful content. 973200

Comments are closed.