NILINAW kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) – National Capital Region (NCR) na wala itong mandato na mag-isyu ng anumang visa documents.
“The department is not in any way mandated to vet, process, or approve any visa documents for Filipino citizens desiring to migrate or emigrate to any foreign country,” ayon sa ahensiya.
Ginawa ng DOLE ang babala sa gitna ng mga report na may mga mapagsaman- talang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng ahensiya upang manghingi ng clearance fee para sa pag-iisyu ng visa documents.
“Scam Alert. DOLE-NCR warns the public against scammers attempting to request a clearance fee of visa documents that should be paid to the Department of Labor and Employment,” anang ahensiya.
Hindi binanggit sa adviso- ry ang halagang dapat bayaran sa ahensiya bilang clearance fee.
Pinag-iingat din ng DOLE-NCR ang publiko sa mga grupo o indibidwal na kanilang katransaksiyon.
“Stay vigilant and protected against these fraudulent activities,” sabi ng DOLE. PNA