NAGBABALA kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring kasuhan ng estafa at patawan ng parusang pagkakulong ang mga prank online buyer.
“This is estafa under the Revised Penal Code so it’s punishable by imprisonment,” sabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa Laging Handa briefing.
Hinikayat ni Castelo ang mga online seller na idokumento ang mga tawag at text messages ng bogus buyers para matulungan sila ng ahensiya sa paghahain ng reklamo sa pulisya o sa National Bureau of Investigation (NBI).
“Na-advise na natin sila… naka-ready sila na tumanggap ng reklamo,” ani Castelo.
“Kailangan lang tulungan din tayo ng complainant kung siya iyong seller or iyong food delivery platform na makapag-complain siya, mag-execute ng affidavit at makapag-complain. Tutulungan natin sila sa PNP or sa NBI,” aniya.
“Kaya babala rin doon sa mga buyers na nanloloko o iyong mga wala naman talagang planong bumili pero gusto ang makaagrabyado ng tao, kulong po ang penalty diyan kaya huwag na nilang ituloy or tigilan na nila iyong mga ganiyang gawain nila.”
“Babala rin sa mga buyers na nanloloko o iyong mga wala naman talagang planong bumili pero gusto lang makaagrabyado ng tao, kulong po ang penalty d’yan kaya ‘wag na nilang ituloy or tigilan na nila iyang mga ganyang gawain,” aniya.
Comments are closed.