BINIGYAN ng 75 araw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay official na linisin mula sa mga obstruction o harang ang lahat ng mga kalsada na kanilang mga nasasakupan.
Ito ay bilang bahagi ng ikalawang bugso ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang lahat ng mga ilegal na obstruction sa mga kalsada o tinawag nilang “Road Clearing 2.0”.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nagpalabas na siya ng memorandum na nag-aatas sa Local Government Units (LGUs) lalo na sa mga opisyal ng barangay na magpatupad ng clearing operations sa tertiary roads.
Layon nitong mapanatiling malinis ang mga lansangan sa buong bansa na tulad ng naging resulta ng mga isinagawang operasyon noong nakaraang taon.
Sinabi ni Año, nagsimula kahapon, ika-17 ng Pebrero, ang 75 araw na palugit sa mga barangay official. DWIZ882